Wednesday, June 3, 2009

Maulan Na Gabi Sa Gilid Ng Kalye

Kagabi dumating yung katambay namin na si Cha galing sa isang International Peace Conference sa India, nung isang araw pa lang nag-text na si Jhuly tungkol dun. Sa gusto ko din sya makita ng personal kaya pinilit ko talaga makapunta kaso magpapasahod pa ako sa Binangonan kaya napilitan ang bida na umuwi muna...

Ka-text ko din si dude bhebang, siya lang ang nayaya ko na pumunta dun at dahil malapit lang ang inuuwian nya sa Araneta kaya okey lang sa kanya na magpaabot ng madaling araw sa piling ko dahil alam nyang harmless naman talaga ako(kapag walang sobrang pera sa bulsa) kaya dinaan ko siya sa Plan B na natutunan ko sa ama niya. hahaha

Maayos ang naging pagsasama namin, 4 lang kami pero sige, inum lang ng inum. Nagkakwentuhan, kaso may ibang pagkakataon na napapatitig ako sa kawalan sa mga parteng hindi ko na naiintindihan ang pinag-uusapan, alam nyo naman yung sinasabi kong expression, pinagdaanan natin lahat yun sa grade 1 nung panahon na nagtuturo ang titser tapos nakatitig lang tayo sa pader habang sinasariwa sa kokote natin ang napanood na episode ng Batibot o kaya ng Voltes-V, habang hinihintay ang delivery ng mainit na sopas at nutri-bun...

Pasado alas-2 ng umaga ng mag-hiwahiwalay kami. Si cha pinasakay namin ng taxi sa likod ng Alimall, si Jhuly pumunta ng edsa para sumakay sa bus, kami ni Bhebang nagpunta ng Aurora dahil sabi nya may sakayan daw dun papuntang Proj. 4 na wala naman pala, eh sakto pag papunta ka ng Aurora Ave galing palengke eh madadaanan mo ang mapang-akit na EuroTel, malamig pa naman kagabi, maulan, nakainum kami pareho, kaya ang sumunod na eksena? Nagpunta na lang kami sa McDo para bumili ng Hot Coco, kala nyo kung ano na ang kasunod na nangyari, ang cheezy nyo talaga...?

Nag-kwentuhan muna kami dun sa McDo kasi wala pa naman masasakyan sa mga oras na yun kasi umuulan pa sa labas, magkatapat kami, nagkakatinginan sa mata, kanya-kanyang parinig sa gustong mangyari dahil 2 beses kami dumaan sa harap ng EuroTel nang bigla kong maalala na kailangan ko pala talagang pumasok sa trabaho pagsikat ng araw dahil sa Thursday pa ako naka-schedule magkasakit(Game 1 ng NBA) kaya kahit gusto ko pa makipag-chikahan at makipagBonding para may mabuong pagmamahalan sa pagitan namin dalawang single at mga self-supporting ang love-life(ako lang pala, sya duda ako. hahaha!) nagyaya na akong umalis na kami dahil pinagtitinginan na kami sa loob ng McDo, akala nila artista ako kasi gwapo ako kagabi... "salamat nga pala sa ponds.. 10 pesos lang, magmumukha kang artista", kaya exit na kami.

Sumakay kami ng jeep na byaheng Ever Cainta, ako sana magbabayad kaso buo ang pera ko kaya sya ang nagbayad ulit, (Plan B, revised). Bumaba siya sa ahhh?... nakalimutan ko yung lugar, ako naman sa De Castro, Cainta. Ang tagal ko dun, mga 2 oras ako nag-antay ng byaheng Binangonan, paihi na dapat ako sa pader noon at dahil inaantok na ko, umuulan pa, hindi ko napansin na may Police Mobile sa tabi ko, at yung pader na iihian ko ay outpost pala ng pulis Cainta, nakatingin yung isang pulis sa akin, wala na kong magawa nung mga sandaling yun kasi lumabas ba ihi ko kaya ayon, NAPANGITI na lang ako. Handa na kong mabagansya buti na lang wala sa mood lumabas yung pulis sa outpost nila kasi umuulan.

Nung makasakay ako, Nak Ng, naka-sabit pa! Umuulan, 2:30 ng madaling araw pero nakasabit pa din ako sa jeep. No choice na ko kaya sige larga, bumibigat na din mga mata ko kaya bahala na, Naka-uwi ako ng 3am, akala ko aakyat na naman ako ng 3rd floor para makapasok lang ng bahay namin buti na lang gising pa ang tatay ko kaya pag-pasok sa bahay, diretso sa banyo, sabay tulog, hindi pa pala, kasi magkatext pa kami nila Jhuly at Bhebang ng mga oras na yon. Pag-gising ko, AYOS... Late na naman ako. 8am ang pasok ko pero 7:30am nagtatanggal pa lang ako ng muta habang nakahilata sa makalat kong kwarto. Buti na lang dumaan pa sa SSS ang Administrator namin sa opisina kaya nauna pa din ako sa log-book! hehehe.

A Not So Perfect Day

Kahapon madami akong plano para sa maghapon.
Balak ko sana maglaba ng mga damit ko tapos maglinis ng kwarto, sunod ang electricfan ko kasi wala naman aircon ang kwarto ko. Pagtapos nito, balak ko din sana magpagupit ng buhok bago ako mgtrain ng mga alaga kong panabong kaso may mahiwang pwersa na pumigil sa akin, hindi ko malaman kung bakit lahat ng ito nabura na lang bigla sa listahan sa utak ko.

Lumabas ako ng 10 am kasi wala akong makain sa bahay kaya pumunta ako sa tindahan sa kanto na sarado kaya nadagdagan pa tuloy ng mahigit sa 100 hakbang ang ginawa ng mga paa ko para makabili ng itlog, tinapay, coffeemate pati toothpaste. di pko nagsisipilyo nun, makapal mukha ko kasi malayo naman ang tindera sa akin kapag magsasalita at isa pa gwapo naman ako kahit bagong gising kaya kaya ng powers ko yun. Badbreathe, panis na laway, may poise pa din to boi!

Natapos ang alituntunin kong yun ng walang naging problema at kahihiyan,
diretso sa bahay, pinaluto ko yung itlog sa uncle ko kasi kelangan ko ng pumasok sa kubeta. Pero bago ako umupo sa trono kelangan muna magawa ang pre-requisites ko para dun.

Una: Buksan ang radyo at ilagay sa RJ 100 para cool ang Sunday. Old School

Ikalawa: Magtimpla ng kape with Coffeemate sabay hanap ng mga Libro ng Ikalawang digmaang pandaigdig sa Library namin sa 2nd Floor, dapat yung illustrated version kasi kapag puro narration lng yung libro baka hapon na nasa kubeta pa din ako? (may banyo din kami sa 2nd Floor kaso mahina tubig dun at saka mas malaki yung sa baba mas malapit pa sa kusina, madaling magpaabot ng tinapay sa Uncle ko.)

Ikatlo: Haluan ng mainit na tubig ang pangbuhos kasi badtrip kapag malamig na tubig ang dadampi sa wet-paks ko ng ganun kaaga, ‘it chills me to the balls’ hahaha

Ikaapat: Pumasok sa banyo, siguraduhing naka-lock ang pinto at maghubad ng trunks bago umupo sa trono.

Ikalima (Optional): Kapag nagsawa sa libro, halukayin sa malibog na parte ng utak ko ang imahe na magagandang babae na nakasalamuha ko at umpisahan na ang digmaan habang may tangan sa kape sa kaliwang kamay. Hahaha, nagpapakatotoo lang ako.

Pang-anim: Tingnan kung ilang minuto na ako sa banyo baka kasi mahalata na kapag matagal na ko masyado sa loob.

Pagkatapos ng lahat na yun. Labas na para makapag-almusal ng kanin, kasi yung almusal ko sa banyo tinapay at kape lang yun.

Balik sa topic ko.

Uumpisahan ko na sanang maglaba kaso parang naisip ko bigla mga kaibigan ko kaya nagdesisyon akong lumabas muna sandali,nangapit bahay ako sa madaling salita.
Pagdating ko sa kanila, nagkayayaan na ng inuman, Eh sa tao lang ako na nadadarang at natutukso din kaya ayun, lasing si Jason. Wala pa akong sweldo kahapon kaya sagot nila inum, wala pa ngang laman ATM ko ngayon kaya bored na ko. Kaya ang suma-total dahil sa alak wala akong nagawa maghapon pero ayos lang yun, may nextweek pa naman. Pati nagkasundo na kami na sa Sabado na lang kami mag-iinum. May utang tuloy akong 1 case na Redhorse na kailangan kong ipainum sa kanila sa sabado pero ok lang. Iinum din naman ako.

May Pangalan Ka?

Minsan ko ng naisip kung tama ba na magpasailalim
Sa batas at sistema na hindi malinaw ang landas na tatahakin,
Tama ba na sumabay na lang sa agos ng kasakiman
Hanggang kailan ka kakapit sa katig ng bangkang pinipiloto ng mangmang?

Pero paano ka sasalungat sa agos kung mga mata mo’y hindi naman mulat?
Paano mo makikita ang kabaluktutan na sa harapan mo’y matagal ng naisambulat?
Hindi ba kanais-nais para sa iyo na isakripisyo ang karangyaan?
Kung gayo’y nagbabalatkayo ka lang at wala ka talagang boses sa lansangan…

Hindi nakakapagtaka na sa lahat ng pagsasalita mo’y walang resulta,
Iyong talento ay nasayang lang dahil mali ang iyong ginamit paraan.
Hindi mo kailangan na sila’y batikusin ng pauli-ulit para mapansin ka lang
Hindi tanga mga Pilipino kaso nagtatanga-tangahan lang ang karamihan

Isang pinuno ang kailangan ng bansa natin, ang tanong kung kailan siya magpaparamdam?
Siya na hindi natatakot magpakilala ng tunay niyang pangalan
Sa lahat ng kanyang gagawin, buo ang aking suporta
Dahil kung ako tatanungin, Hinding-hindi ako susunod sa hindi ko kilala…

Kamote



----------------
Now playing: Joe Satriani - Always with Me, Always with You
via FoxyTunes

Bakit ang hirap mabuhay sa mundo na pinatatakbo ng mga pulitiko
Lahat ng paraan para yumaman ipinagkakait sayo?
Hindi mo alam kung anong tama dahil kabaligtaran kanilang ginagawa,
Wala tayong mga karapatan dahil aminin natin isa rin tayong dukha!

Ang sarap nilang tanggalin sa kanilang mga kinauupuan
Pero paano mo isasakatuparan kung milyon ang nababayaran nilang mga mangmang.
Silang mga walang prinsipyo na babaliktad sa ngalan ng Piso
Nakakahiyang isipin na magkakababayan pa naman din tayo…

Paano aasenso, tatalikod sa mga panirang eskandalo
Kung silang mga nasa pwesto ang madalas na puno’t dulo?
Naisip mo na ba na ating mga paratang walang patutunguhan
Lalabas lang lahat na haka-haka dahil batas kanilang dinadaan sa yaman.

Minsan may dadating na bagito, malinis at karapatdapat na maging pinuno
Hindi pa nagsisimula pinipresyohan na ng mga trapo.
Pilit nilang kukunin ang suporta ng mga tao na nakapatong sa balikat ni bagito
Para sila’y makasiguro na sa Senado sila pa rin ang magluluto

Ipangalandakan mo lahat ng nakikitang mong mali,
I-angat ang prisipyo, idolohiya ng Kristyano’t Muslim atin munang isan-tabi
Wag kang matakot kahit dalawa lang tayo na nagsasalita
Darating ang araw na ang Pilipinas ay liliwanag sa gitna ng mapanuring mata ng ibang bansa.